Tuesday, July 19, 2011

Unang Sikreto

Meron akong sikreto...

sikreto na aking pinakatatago-tago....

 sikretong pagnalaman ng iba, sigurado akong iba kaagad ang magiging tingin nila sakin...

wala pa nga, naririnig ko na ang mga isisigaw nila sakin, ang magiging paksa ng kanilang mga bulung bulungan...

"malandi..."

"makati..."

"madumi..."

"kadiri..."

Kasalanan ko din naman kasi, di ako nag-isip... nagpadala... naniwala... ayan tuloy, ito ang aking napala...

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula ng malaman ko ang katotohanan... ang masakit na katotohanan.  Nabigla ako, natakot... pero hindi ako umiyak.  Ayoko umiyak.  Ayoko magmukhang mahina... magmukhang hindi handa... pero di ko din napigilan... pag labas ko sa puting silid na yon, nagsimulang bumuhos ang aking luha... di ko napigilan...

Ang sakit, lalo na ng iwan nya ako ng sinabi ko sa kanya ang katotohanan... ang tungkol sa aking sikreto... nung una, ipinakita nyang naiintindihan nya... hanggang kusa na siyang bumigay... kusa ng umayaw... at ako naman ay wala ng magawa... kundi ang hayaan siyang kumawala...

Ang dami ng nangyari simula ng maganap ang sana'y di nangyari... natanggap ko na ang lahat, nagpatuloy ang aking buhay... muling naging masaya... tumawa... pero kahit anung gawin ko pagkalimot at pagtakbo sa katotohanan.... hindi pa rin ako tinitigilan... at alam kong di ko matatakasan... ang aking sikreto...

No comments:

Post a Comment